PAGSUSULONG NG KAPAYAPAAN ATKALIGTASAN PARA SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, MAS PINAG-IIGTING NG PANGASINAN PPOSA NAGANAP NA 122ND POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Mas pinag-iigting pa ng Pangasinan Police Provincial Office ang pagsusulong ng kaligtasan at kapayapaan sa lalawigan ng Pangasinan alinsunod sa pagkilala ng mga kawani nito sa naganap na 122nd Police Service Anniversary na may temang “Nagkakaisang Pulisya at Pamayanan tungo sa Mapayapa at Maunlad na bansa.”
Dinaluhan ang naturang pagdiriwang ng buong hanay ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan at bilang panauhing pandangal na si 2nd District Rep. ng lalawigan, Cong. Cojuangco.
Binigyang diin din sa programa ang ilang mga napagtagumpayang mga kaso tulad ng Campaign against illegal drugs, Campaign against loose firearms, Campaign against illegal gambling, at Arrest of Wanted Persons.

Kinilala rin ang mga PNP Personnel na nagpamalas ng kahusayan sa pagkamit ng kanilang mga programa tungo sa pagkakaroon ng isang matiwasay na pamayanan at lalawigan.
Nakaantabay umano ang pulisya sa anumang insidente na nangangailangan ng kanilang presensya upang mapanatili ang pagiging pangkalahatang mapaya ang lalawigan ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments