Mas pinalalawig pa sa lalawigan ng Pangasinan ang karapatang pantao o human rights sa naganap na 4th District Human Rights Stakeholders Forum na pinangunahan ng PNP Dagupan katuwang ang mga stakeholders at ilan pang hanay ng kapulisan mula sa mga bayan sa ilalim ng ikaapat na distrito ng Pangasinan.
Tinalakay sa nasabing forum ang pagpapalawig ng karapatang pantao ng lahat ng mamamayan sa kabila ng pagkakaiba sa estado ng buhay, kasarian, kulay, katangian at iba pa.
Binigyang diin din ni Guest Speaker Atty. Vicky Cabrera, ang City Prosecutor ng Dagupan ang mga responsibilidad at katungkulan ng mga naitalagang pulis at mga law enforcers, gayundin ang kahalagahan ng mga ito sa pagpapatupad at pagsunod ng mga umiiral na kautusan at batas sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Isinusulong sa naturang aktibidad ang pagkakapantay pantay sa kahit anumang reklamo o naihahaing komusyon o kaguluhan sa mga otoridad.
Hinikayat pa ni Atty. Cabrera ang mga kapulisan na mas maging responsable at magkaroon ng mas mabusisi, malinis at maayos na serbisyo ang mga ito kaugnay sa mga hinaharap at nireresolbang mga kaso.
Layon nitong maisulong ang kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayang kanilang nasasakupan at upang mabawasan ang kaso ng mga nangyayaring kriminalidad.
Samantala, kaisa rin sa aktibidad ang LGU Dagupan sa pangunguna ni Mayor Fernandez at mga representante ng LGU Mangaldan, Manaoag, San Fabian at San Jacinto. |ifmnews
Facebook Comments