Isusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang makabagong pamamahala sa gobyerno para sa susunod na taon.
Sa ‘Kapihan with the Media’ na ginanap sa Tokyo, Japan, sinabi nitong kailangang ipagpatuloy ang pagsasamoderno ng mga structural change ng gobyerno dahil obsolete na ito o luma na.
Mahalaga ayon sa pangulo ang structural changes dahil makatutulong ito sa pag-readjust halimbawa aniya ang fiscal policy, monetary policy at spending policy.
Ito aniya ay hakbang para tuluyan nang makalagpas sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Naniniwala ang pangulo na ang ginagawang structural changes sa ngayon ay may malaking epekto sa pamamahala sa gobyerno para sa susunod na taon.
Facebook Comments