Pagsusulong ng mandatory ROTC Bill, tuloy pa rin sa Senado

Hindi nga nagpatinag ang mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso laban sa mga tumutuligsa sa planong pagbuhay ng Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) Act.

Ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, tuloy-tuloy pa rin silang mga senador na proponent ng panukala sa pagtutulak na buhayin ang ROTC at gawin itong mandatory sa lahat ng mga nasa kolehiyo.

Sinabi pa ni Dela Rosa na non-stop o hindi na mapipigilan ang pagsusulong nila ng panukala na ilang beses na ring tinalakay sa komite ng Senado.


Sa susunod na linggo ay inaasahan ni Dela Rosa na maisponsoran na sa plenaryo ang panukala.

Target ng Senado na mapagtibay ang Mandatory ROTC Act bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Hulyo.

Matapos ang pagkamatay dahil sa hazing ng Adamson University student na si John Matthew Salilig, nabuhay ang panawagan ng ilang grupo na isantabi na ang pagsusulong ng mandatory ROTC dahil sa karahasan at mga katiwalian na nakakabit dito dahilan kaya binuwag ang programa noon.

Facebook Comments