Pagsusulong ng mga batas para sa kapakanan ng mga mangagawa, tiniyak ng mga Senador

Manila, Philippines – Tiniyak nina Senators Grace Poe, Nancy Binay, Joel Villanueva at Antonio Trillanes IV ang pagsusulong ng mga panukala batas para sa kapakanan ng mga manggagawa.

Giit ni Senator Poe, dapat ay maging marangal na kondisyon ng pagtatrabaho at patas na benepisyo tungo sa isang buhay na may dignidad para sa bawat manggagawang Pilipino sa loob at labas ng ating bansa.

Sabi naman ni Senator Binay, higit na pinapurihan at pinasalamantan ngayong Labor Day ang mga kababaihang manggagawa.


Sa kabila aniya ng ginugugol nga mga ito na sakripisyo sa kanilang pamilya, ay patuloy nilang ipinapamalas ang kanilang galing, pagtitiyaga, at pagpupursigi upang mapaunlad ang ekonomiya’t lipunan.

Kaugnay nito ay binanggit ni Binay ang pagsisikap nilang maisabatas ang Expanded Maternity Leave Law of 2017 at ang income tax exemption para sa mga empleyadongnito kumikita ng P30,000 at pababa.

Bilang chairman naman ng Committee on Labor, Employment and Human Resources Development ay nangako si sen joel villanueva na sisikapin nilang maipasa ang Senate Bill No. 1116 o ang End of ‘Endo’ Act na magpapahinto sa kontraktwalisasyon.

Si Senator Trillanes ay inihain ang Senate Bill No. 642, na magkakaloob ng night shift differential pay sa lahat ng government employees.
DZXL558

Facebook Comments