Pagsusulong ng mga polisiya at programa para sa maritime industry, tiniyak ng isang senador

Tiniyak ni Senator Grace Poe ang patuloy na pagsusulong ng mga polisiya at programa para sa kapakanan ng mga manggagawa sa maritime industry.

Ang pangakong ito ng senadora ay kasunod ng pagapruba ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa sa panukalang Magna Carta for Seafarers na sinertipikahang urgent ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Poe, makasisiguro na ang mga Pinoy seafarers ng mas ligtas at modernong maritime industry na kung saan sila ay pinahahalagahan at napoprotektahan para magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin.


Sinabi ni Poe na dapat manatiling alerto ang lahat ng ahensya ng gobyerno upang matiyak na mapapakinabangan ng mga seafarers ang benepisyo na dala ng batas.

Dagdag pa ni Poe, kapag tuluyang naisabatas ang panukala, hindi lang nito mapapabuti ang pamumuhay ng mga Filipino seafarers kundi matitiyak din ang kaligtasan ng mga byahero at ng kanilang mga magiging pamilya.

Facebook Comments