Pagsusulong ng pagsasampa ng kasong Graft at Malversation laban kay Janet Lim Napoles, kinatigan ng Korte Suprema

19

MANILA, PHILIPPINES – Kinatigan ng korte suprema ang pagsusulong ng pagsasampa ng kasong graft at malversation laban sa umano’y pork barrel queen na si Janet Lim Napoles na inihain ng ombudsman sa Sandiganbayan.

 

May kaugnayan ang naturang kaso sa diumano’y maling paggamit ng P27.5 milyong pisong Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng noo’y congressman ng Agusan Del Sur na si Rep. Rodolfo Plaza sa pagitan ng taong 2004 hanggang 2010.

 

Sa desisyon ng korte suprema, kinatigan nito ang naunang desisyon ng ombudsman na may ‘probable cause’ sa naturang reklamo.

 

Wala rin paglabag sa panig ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales nang isulong nito ang paghahain ng reklamo laban kay Napoles at sa driver nitong si John Raymund De Asis at dating National Agribusiness Corp. President Alan Javellana.

 

Ayon pa sa SC, ang mga argumentong inilatag ng kampo ni Napoles sa kanyang petition for certiorari ay dapat na iharap nito sa isang pormal na pagdinig at hindi sa preliminary investigation.




 

Facebook Comments