Pagsusulong ng responsableng pagmimina sa bansa, hangad ng mga miyembro ng PMSEA

Mahigit Isang libong minero mula sa ibat-ibang Mining Company sa bansa na miyembro ng Philippine Mine Safety and Environment Association (PMSEA) ang magpaparada ngayong umaga sa kahabaan ng Session Road patungo sa Melvin Jones sa Baguio City.

Bahagi Ito ng apat na araw na 66th Annual National Mine Safety and Environment Conference (ANMSEC) na ginaganap ngayon sa City of Pine.

Ayon Kay PMSEA President Dr. Walter Brown, Ang naturang parada ay isang pagpapahayag ng kanilang pagkakaisa sa pagsusulong ng responsableng pagmimina sa bansa.


Susundan ito ng field Competion sa larangan ng first aid, firefighting, mocking at iba pa.

Bahagi ito ng pagpapakita ng kakayahan at kahandaan ng bawat mining company para tumugon sa tawag ng pagangailangan Lalo na sa panahon ng kalamidad.

Tulad nang naganap na 6.5 Magnitude na Lindol na puminsala sa Tulunan Cotabato at sa Makilala, agad na inactivated ni Dr.Walter Brown ang “Operation Mindanao Earthquake” sa pamamagitan ng Pusong Minero Programa na pinamumunuan ni Louie Sarmiento.”

Una ng nasubukan ang kakayahan ng mga rescue team ng mga Mining Company noong 1990 Earthquake sa Baguio, landslide sa Guinsaugon Leyte at Real Quezon; Typhoon Sendong sa Cagayan De Oro at Iligan; Negros Oriental Earthquake, Pantukan landslide sa Compostela Valley, Hagonoy, Typhoon Pablo sa New Bataan, Catiil Compostela Valley Bohol earthquake, Typhoon Yolanda sa Samar at Tacloban kasama na ang Mayon Volcano eruption sa Albay.

Isasagawa naman mamayang Gabi ang pagkakaloob ng Presidential Mineral Industry Environment Award (PMIEA) at iba pang uri ng parangal kasama na ang pagkilala sa mga responsableng minero sa bansa.

Facebook Comments