Pagsusulong ng Rightsizing bill, nilinaw ng isang senador

Dumipensa si Senate President Chiz Escudero sa pagsusulong ng Rightsizing bill sa Senado.

Sa naging sponsorship speech ng senador sa plenaryo, nilinaw niya na hindi nilalayon ng panukala na bawasan ang mga empleyado ng gobyerno.

Binigyang-diin ni Escudero na layon ng Senate Bill 890 na itaas ang kalidad ng serbisyo sa pamahalaan at makalikha ng mga pwesto na angkop at tunay na kailangan ng taumbayan.


Inaalis lamang nito ang redundancies o paguulit-ulit ng posisyon at tungkulin, pinasisimple ang proseso at pinatututukang maigi ang mga prayoridad kung saan mas makakatipid ang gobyerno at mailalaan ang resources sa mga programang nararapat at tunay na kailangan ng mga Pilipino.

Nilinaw rin ng senador na hindi saklaw ng Rightsizing bill ang sandatahang lakas at ang military and uniformed personnels gayundin ang education sector, Kongreso, Korte Suprema, constitutional commission, at mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments