Pagsusulong ni PBBM sa food tourism, ikinalugod ng isang senador

Ikinagalak ni Senate Committee on Tourism Chairperson Nancy Binay ang pagsusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa gastronomic o food tourism na “Chibog” mula sa latest vlog ng presidente.

Ayon kay Binay, natutuwa siya na pati ang pangulo ay kinikilala ang iba’t ibang Pinoy street food bilang mahalagang sangkap ng pagpapaangat sa ating turismo.

Aniya, ang ating mga ‘street delicacies’ ay nag-aalok ng “raw at authentic” na pagsulyap sa ating kultura at panlasa na nagpapakilala sa puso at diwa ng isang lugar.


Sinabi pa ng mambabatas na ang “authenticity” at walang pagpapanggap na mga pagkain sa bawat rehiyon sa bansa ay nakadaragdag sa yaman ng culinary traditions ng Pilipinas at ng ating kultura.

Aniya, dapat na tulungang i-angat at i-level up ang kalidad ng pagkaing Pinoy dahil malaki ang potensyal ng food tourism at maituturing itong isang powerful marketing tool.

Facebook Comments