Pagsusulong sa Bayanihan 3, pinag-aaralan pa ni Senator Go

Pinag-aaralan pang mabuti ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagsusulong ng Bayanihan 3 para higit na matulungan ang mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Go na maraming nawalan ng trabaho kaya hindi imposibleng maging ang mga may ipon ay paubos na rin ang pondo.

Kaugnay nito, planong kausapin ni Go si Pangulong Rodrigo Duterte at Finance Secretary Carlos Dominguez para tingnan kung kakayaning mapondohan ang Bayanihan 3.


Matatandaan na isa si Senator Go sa mga nagsulong ng Bayanihan 1 at 2 kung saan marami ang nabigyan ng ayuda dahil dito.

Sa Senado naman ay nauna ng inihain ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang panukalang Bayanihan to Rebuild as One Act o Bayanihan 3 na pinabibigyan nya ng ₱485 billion na pondo.

Facebook Comments