Pagsusulong sa kapakanan at proteksyon sa mga caregivers, inihain ng Senado

Pinabibigyan ng Senado ng proteksyon at pagkilala sa kapakanan ang mga caregivers sa bansa.

Sa ilalim ng Senate Bill 1396 o ang Caregivers Welfare Bill ni Senator Francis Tolentino, ay binibigyan ng pagpapahalaga ang mga manggagawa na tinawag niyang kabilang sa underrated sector.

Ilan sa mga isinusulong na proteksyon ng panukalang batas ang pagkakaloob ng minimum wage para sa mga caregivers na hindi dapat bababa sa itinatakda ng rehiyon na kanilang kinaroroonan.


Itinatakda rin nito ang 8-hour work shift ng isang caregiver na dapat ay nakabase sa pinirmahan nilang kontrata, at ang pagbibigay sa kanila ng overtime pay kapag lumagpas sa nakatakdang oras ng duty.

Imamandato rin ng panukala ang pagbibigay ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG at iba pang benepisyo sa mga caregiver.

Facebook Comments