Pagsusulong sa SOGIESC Equality Bill, hindi lulubayan ng Makabayan Bloc

Nangako ang mga kongresista na bumubuo sa Makabayan Bloc na patuloy nilang ipaglalaban na maisabatas ang House Bill 5551 o sexual orientation, gender identity, gender expression and sex characteristics o SOGIESC Equality Bill.

Inihayag ito nina Assistant Minority Leader, Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas at Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel kasabay ng selebrasyon ng Pride Month.

Bilang patunay ng suporta ay nakiisa rin ang mga miyembro ng Gabriela Women’s Party at Kabataan Party-list sa Pride March na isinagawa sa Makati City at Quezon City.


Diin ni Brosas, kailangang maipasa ang panukalang tutugon sa dobleng pasanin ng LGBTQIA+ community dahil bukod sa nararanasan nilang kahirapan, ay nakakaranas din sila ng matinding diskriminasyon dahil sa kanilang kasarian.

Dismayado naman si Representative Manuel na tila napapabayaan lang ang SOGIESC equality bill sa komite ng Kamara kumpara sa mga panukalang isinusulong ng administrsyon na kaagad nakakapasa.

Facebook Comments