Pagsusumite ng 97% courtesy resignation ng 3rd level officials ng PNP, ikinatuwa ng PNP chief

Ikinalugod ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang positibong tugon ng 97 porsyento ng 3rd level officers ng PNP sa panawagan na magsumite ng kanilang courtesy resignation.

 

Ayon kay Azurin, pagpapakita lamang ito ng katapangan ng mga koronel at heneral na kumasa sa hamon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos Jr., na linisin ang hanay ng Pambansang Pulisya partikular sa iligal na droga.

Kasunod nito, nananawagan si Azurin sa nalalabi pang tatlong porsyento ng 3rd level officers na magsumite na rin ng kanilang courtesy resignation.


Kanina, ibinunyag nito na 24 na mga koronel at heneral pa ang hindi naghahain ng kanilang courtesy resignation kung saan dalawa sa mga ito ay pawang heneral at lima ang koronel na magreretiro ngayong 1st quarter ng taon.

Facebook Comments