Posible na sa unang quarter ng 2022 ang pagsusumite ng aplikasyon ng mga pharmaceutical company para sa full authorization ng kanilang COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, sa kasalukuyan ay kinukumpleto pa ng mga kumpanya ang mga dokumento para dito.
Habang ang iba ay tinatapos na ang kanilang clinical trials.
“Kailangan mag-apply muna iyong kumpanya ‘no at ang kumpanya ay mag-a-apply po ng authorization kapag kumpleto na ang kanilang clinical trial data; at siguro po ‘pag ready na silang mag-supply at ready na silang magbenta ‘no to the private sector with the full commercial authorization. Unfortunately at this time, wala pa pong nag-a-apply sa atin ‘no ng full authorization at hindi naman po kami puwedeng mag-grant ng authorization sa isang produkto na hindi po nanghihingi ‘no ng full authorization.” ani ni Domingo.
Tiniyak naman ng opisyal na sa oras na mayroon nang kumpanya na mag-apply ng full authorization sa bansa para sa kanilang COVID-19 vaccines, mabilis itong aaksyunan at isasailalim sa ebalwasyon ng FDA.
“I’m confident na siguro po kinukumpleto lang naman nila iyong kanilang mga dokumento at tinatapos ang mga clinical trial and by the first quarter of next year siguro po ay mayroon nang mag-a-apply at ito naman po ay aaksiyunan at ie-evaluate nang mabilisan ng FDA ‘pag dumating po iyong mga application na ito sa atin.” ani pa ni Domingo.