Pagsusumite ng Bangsamoro Transition Commission ng bagong draft ng Bangsamoro Basic Law, muling ipinagpaliban

Manila, Philippines – Muling ipinagpaliban ang pormal na pagsusumite ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) ng bagong draft ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Nakatakda sana itong maisumite sa June 28, pero sinabi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hindi available sa petsang ito sina House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate President Koko Pimentel.

Dahil dito, pansamantala munang naurong ang pagsusumite ng draft law sa July 10.


Ayon sa MILF, sina Pimentel at Alvarez ang dalawa sa pinakamahalagang mga mambabatas na kakailanganin para sa pagpasa ng BBL sa kongreso.

Umaasa naman si MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar na ieendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) sa July 24 ang BBL draft bilang isang priority measure.
n

Facebook Comments