Mayroon na lamang hanggang ngayong araw ang mga PUV operator na magsumite ng mahahalagang dokumento sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office at LTFRB-NCR.
Wala nang ibibigay na extension ang LTFRB kasunod ng pagtatapos ng naunang extension sa submission ng documents sa gitna ng umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Pinayuhan ng LTFRB ang mga PUV operators na isumite na sa mga tanggapan nito ang kanilang application for Consolidation, ang paghahain ng Extension of Validity of Certificate of Public Convenience (CPC) at iba pang transaksyon.
Dagdag ng LTFRB, walang ipapataw na multa ang mga tanggapan sa mga isusumiteng transaksyon sa mga lugar na epektibo ang MECQ.
Facebook Comments