Gagawing mandatory ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa mga lokal na pamahalaan pagsusumite ng report hinggil sa mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang mga lugar kaugnay sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sa Malacanang press briefing, sinabi ni Remulla na sa pamamagitan nito ay malalaman agad nila kung may iligal na operasyon ng POGO sa isang lokalidad, dahil sa biglang nagkakaroon ng spike sa bandwidth at maging ang pagpasok ng mga kahina-hinalang mga indibidwal.
Makikita rin ito sa mga galaw ng mga banyaga na nais magset-up ng mga hindi rehistradong negosyo.
Tiniyak naman ng kalihim na katuwang nila ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) para tugisin ang mga mag-ooperate ng iligal na operasyon ng POGO.