PAGSUSUMITE NG SOCE, MULING IPINAALALA NG COMELEC REGION 2

CAUAYAN CITY – Muling nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) Region 2 na hanggang Hunyo 11 na lamang ang huling araw ng pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenses (SOCE) ng mga tumakbo sa nakaraang halalan.

Ayon kay Assistant Regional Director Jerbee Cortez, hindi na magbibigay ng anumang palugit ang kanilang tanggapan, kaya’t pinaalalahanan nila ang lahat ng kandidato na huwag nang ipagpaliban ang pagsusumite.

Kabilang sa mga kailangang ilahad sa SOCE ay ang mga ginastos sa campaign materials, biyahe, at advertisement. Paalala dim ng COMELEC, kahit walang ginastos sa kampanya, obligado pa ring magsumite ng SOCE.

Paalala din ng COMELEC na ang mga mabibigong makapaghain nito ay maaaring pagmultahin o ma-disqualify sa paghawak ng posisyong pampubliko.

Facebook Comments