Pagsusumite ng social insurance certificate, ire-require lamang sa mga individual visa applicant – DFA

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ire-require lamang ang pagsusumite ng social insurance certificate sa mga individual visa applicant.

Ang nasabing dokumento ay isa sa mga karagdagang requirement ng DFA bilang paghihigpit ng patakaran sa pag-iisyu ng visa sa mga dayuhan partikular sa mga Chinese national.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DFA Undersecretary Jesus Gary Domingo na mas mahirap i-peke ang social insurance certificate kumpara sa ibang dokumento.


Samantala, sinabi naman ni Domingo na mahigpit pa ring ipatutupad sa group tour visa ang pagpunta at pag-alis sa bansa.

Una nang iginiit ng DFA na layon ng nasabing hakbang na maiwasan ang illegal entry at overstaying ng mga dayuhan sa bansa gayundin ng iba pang krimen gaya ng human trafficking at kidnapping.

Facebook Comments