PAGSUSUNOG NG BASURA SA MGA BARANGAY SA POZORRUBIO, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL

Mahigpit na ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ng Pozorrubio ang pagsusunog ng kahit anong basura dahil sa posibleng banta nito sa kalusugan.

Sa pag-iikot ng Municipal Environment and Natural Resources Office sa Brgy. Talogtog sa naturang bayan, ilang residente ang nahuling nagsusunog ng basura sa mga kabahayan.

Dahil dito, mahigpit na paalala ng tanggapan ang parusang maaaring ipataw sa mahuhuling nagsasagawa ng open burning na nakasaad sa Ecological Solid Waste Management Act of 2001 at Clean Air Act of 1999.

Pinaiigting ng MENRO Pozorrubio ang pagpapatupad ng ordinansa bilang pangangalaga sa kalikasan at hakbang sa pag-iwas sa sunog na maaaring sumiklab mula sa open burning. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments