
Mahigpit ang ipinapatupad na seguridad sa paligid ng EDSA People Power Monument sa EDSA-White Plains sa Quezon City ngayong araw ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Kung saan mariing ipinagbabawal sa lugar ang pagsusunog ng effigy.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PMGen. Anthony Aberin, hindi nila papayagan ang ganitong uri ng aktibidad dahil may nilalabag itong batas.
Samantala, ayon sa Quezon City Police District, as of of 11 a.m., tinatayang nasa humigit kumulang dalawang libo na ang crowd estimation sa People Power Monument kung saan mamayang ala una ng hapon inaasahang mag-uumpisa ang pre-program ng Trillion Peso March.
Facebook Comments










