Mahigpit na ipagbabawal ng Philippine National Police (PNP) ang pagsusunog ng effigies sa araw ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Lunes July 24.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, bagama’t noong nakaraang taon ay pinagbigyan ang mga raliyista, ngayong taon ay hindi na ito pwede.
Paliwanag ni Fajardo, hindi maganda sa kalusugan ang pagsusunog ng effigies at maaaring lumabag ito sa Clean Air Act at iba pang ordinansa.
Kasunod nito, umaasa ang opisyal na tatalima ang mga militante at susundin ang mga itinatakda ng batas.
Samantala, all systems go ang ilalatag na seguridad ng PNP sa ikalawang SONA ni PBBM.
Wala rin aniyang seryosong banta na namo-monitor ang Pambasang Pulisya.
Facebook Comments