Monday, March 23, 2026

PAGSUSUNOG NG ULING SA ALAMINOS CITY, INIREKLAMO

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Alaminos City Police Station sa isang tawag sa 911 kaugnay ng public disturbance na dulot ng pagsusunog ng uling sa Barangay Tawin-tawin noong umaga ng Marso 22, 2026.

Ayon sa ulat, natanggap ang tawag bandang alas-7:46 ng umaga at agad na rumesponde ang mga pulis, na dumating sa lugar makalipas ang limang minuto.

Pagdating sa pinangyarihan, nakumpirma ng mga awtoridad ang insidente ng pagsusunog ng uling na nagdudulot ng abala sa komunidad. Agad nilang pinayuhan ang may-ari na patayin ang apoy upang maiwasan ang anumang panganib at karagdagang perwisyo sa mga residente.

Patuloy namang pinatitibay ng Alaminos City Police Station ang kanilang kampanya sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng agarang pagtugon sa mga tawag ng mamamayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments