Pagsusuot ng dobleng facemasks, inirekomenda ng health expert dahil sa Omciron variant

Iminungkahi ng isang health expert sa publiko na magsuot ng dalawang face mask sa gitna ng pagkalat ngayon ng mas nakakahawang Omicron COVID-19 variant.

Ayon kay Dr. Edsel Salvana ng Department of Health-Technical Advisory group, hindi na kakayanin ng cloth masks na maprotektahan ang isang indibidwal dahil sa mataas na viral load ng Omicron.

Dahil dito, mas makabubuti aniya na magsuot ng isang surgical mask at cloth mask upang mas masiguro ang proteksiyon.


Inirekomenda rin ni Salvana ang paggamit ng KN95 o N95 mask na mayroong mataas na filtration sa hangin.

Facebook Comments