Pagsusuot ng face mask, balaclava at iba pang nakakatakip sa mukha sa loob ng establisyimento at pampublikong lugar, bawal na sa Maynila

Nagpatupad ng Anti-Balaclava Ordinance ang lokal na pamahalaan ng Maynila na layong higpitan ang seguridad sa mga establisyimento at pampublikong lugar sa lungsod.

Sa ilalim ng ordinansa, bawal na ang pagsusuot ng balaclava, face mask, hoodies na natatakpan ang mukha, at anumang headgear na hindi nagpapakita ng pagkakakilanlan sa loob ng commercial at government buildings.

Kabilang sa mga ipinagbabawal ang pagsusuot ng helmet o face-coverings sa mga tindahan, palengke, parking areas, sidewalk, at iba pang public spaces.

Bawal din ito kapag nakababa o naka-standby ang rider na sakay ng motorsiklo.

Ayon sa local government unit (LGU), maaaring pagmultahin ang sinumang tumangging magpakita ng mukha kapag inatasan ng mga awtoridad.

Excempted naman ang pagsusuot ng face masks kapag may public health emergency, may malubhang karamdaman at hindi rin sakop mg ordinansa ang mga nagsusuot ng headgear dahil sa kanilang pananampalataya.

Nasa isang libo ang multa sa unang paglabag, tatlong libong piso sa ikalawang oaglabag habang limang libo at posibleng 15 araw na pagkakakulong ang kakaharaoin sa ikatlo at mga susunod pang paglabag kasama ang revocation ng lisensiya.

Facebook Comments