Hindi imposibleng hindi narin magsuot ng face mask sa bansa.
Ito ang pagtaya ni Dr. Rontgene Solante, isang Infectious Disease Expert lalo na kung magtutuloy-tuloy sa pagbaba ang mga kaso ng COVID-19.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Solante na kung bababa na nang husto ang kaso ng COVID-19 o mas mababa pa sa 200 sa loob ng tatlong buwan ay posible aniyang pwede na itong tanggalin.
Gayunpaman, sa ngayon, sinabi ni Solante na mahalaga pa ring gumamit ng face mask para makaiwas na mahawahan ng COVID-19, lalo pa at may mga sumusulpot na namang bagong sub variants ng Omicron.
Binigyang diin nito na maganda ang naidulot sa bansa ng paggamit ng face mask dahil mabilis na nakontrol ang pagkalat ng virus.
Facebook Comments