Pagsusuot ng face mask sa loob ng isang pribadong sasakyan, hindi makatwiran

Umapela si Senator Grace Poe sa Inter-Agency Task Force (IATF) na irekonsidera ang polisiya nito na nag-uutos sa lahat ng sakay ng pribadong sasakyan na magsuot ng face mask.

Para kay Poe, ang nabanggit na patakaran ay hindi makatwiran at hindi praktikal.

Paliwanag ni Poe, tama lang na pagsuotin ng face mask ang mga sakay ng pampublikong sasakyan o carpooling.


Pero hindi na ito dapat ipatupad para sa mga sakay ng pribadong sasakyan na magkakasama naman sa iisang tahanan.

Sinabi pa ni Poe na ang pribadong sasakyan ay extension ng tahanan kaya maikokonsidera itong private bubble.

Plano ni Poe na talakayin ang isyung ito sa gagawing pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Public Services bukas ukol sa Private Motor Vehicle Inspection Centers at Child Car Seat Law.

Facebook Comments