Pagsusuot ng face shield at face mask sa pampublikong lugar, mandatory na

Ipinag-utos na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mandatoryong pagsusuot ng face mask at face shield sa pampublikong lugar sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sang-ayon ito sa bagong polisiyang napagkasunduan ng IATF.

Aniya, kung dati ay sa mga establisyemento o sa mga mall lamang ang pagre-require ng face shield, ngayon ay kasama na ang mga pampublikong lugar.


Paliwanag ni Roque, sa ganitong paraan ay mabibigyan ng dagdag proteksyon ang publiko para makaiwas sa COVID-19.

Facebook Comments