Iminungkahi ni Manila Mayor Francisko “Isko” Moreno Domagoso sa gobyerno na ihinto na ang patakaran sa paggamit ng face shield ng publiko sa labas ng kanilang tahanan na sinimulang ipatupad noong December 2020.
Dagdag pa ni Domagoso, makakabawas din ito sa gastusin ng taumbayan.
Giit ni Domagoso, dapat ay gamitin na lang ang face shield sa loob ng mga ospital.
Paliwanag ng alkalde, tayo na lang ata ang gumagamit ng face shield sa buong mundo at nagre-require nito kahit nasa kalsada.
Sa huli, sinabi nito na dapat pag-isipang mabuti ang paggamit ng face shield dahil marami na rin naman na tayong natutunan kaya mainam na magsagawa ng adjustment o pagbabago sa mga umiiral na polisiya.
Facebook Comments