Pagsusuot ng face shield sa mga commercial establishments gaya ng malls, mandatory na rin

Mandatory na rin ang pagsusuot ng face shield sa mga commercial establishments gaya ng mga malls.

Ito ay matapos mapagkasunduan sa pulong ng Inter-Agency Task Force On Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maliban sa mga pampublikong sasakyan at workplace, mandatory na rin ang pagsusuot ng face shield kapag nasa mga enclosed spaces.


Kasabay nito, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Spokesperson Goddes Hope Libiran na maaaring tanggihan ng Public Utility Vehicles (PUVs) ang mga pasaherong senior citizen at nasa edad 21 pababa kung walang importanteng lakad ngayong umiiral ang General Community Quarantine (GCQ).

Ang tanging papayagan lamang aniyang makasakay sa pampublikong transportasyon ay ang mga senior citizen na nagtatrabaho sa essential services.

Facebook Comments