PAGSUSUOT NG FACE SHIELD SA MGA LUGAR NA NASA ILALIM NG ALERT LEVEL 3 HINDI MANDATORY AYON SA DOH-CHD1

Nilinaw ng DOH-CHD1 na hindi mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.
Sinabi ni Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1 Information Officer, bagamat hindi mandatory ang pagsusuot ng face shield inirerekomenda ng opisyal na magsuot ng face shield kung pupunta ng hospital at isolation facility.
Kailangan din aniyang magsuot ng face shield sa 3cs- Crowded places, close-contact settings at confined and enclosed spaces.

Dagdag proteksyon ang pagsusuot ng face shield sa mga nasabing lugar upang maiwasang mahawaan ng COVID-19 ngayong nagkakaroon nang pagtaas ng kaso sa rehiyon.
Ang probinsiya ng Pangasinan, La Union,Ilocos Norte at Dagupan City ay isinailalim ngayong araw sa Alert Level 3 habang ang Ilocos Sur ay mananatili Alert Level System 2. | ifmnews
Facebook Comments