Muling ipapatupad ang pagsusuot ng face shield sa mga palengke ng Dagupan City dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 at banta ng Omicron Variant sa lungsod.
Sa inilabas na Executive Order No. 1 s. 2022, ang mga mamimili, tindera, delivery personnel at iba pang indibidwal na papasok sa Malimgas Public Market, Magsaysay Fish Market/ Extension,Galvan Market at Mcadore Market ay kailangang magsuot ng face mask at face shield.
Ang sinumang mahuhuling lalabag sa nasabing kautusan ay maaring suspendihin o alisin ang kanilang permit to operate sa palengke.
Bumuo ng task force ang lungsod na kinabibilangan ng Market Division, POSO, Market Marshals, Barangay Security Forces, at PNP na magpapatupad ng minimum public health standard sa mga palengke ng Dagupan.
Samantala, isasara naman sa unang una at ikatlong huwebes ng buwan ang mga palengke para sa isasagawang disinfection. | ifmnews
Facebook Comments