Pagsusuot ng face shield sa pampublikong sasakyan, mandatory na sa Agosto 15

Maliban sa pagsusuot ng face mask, kailangan na rin gumamit ng face shield ang mga pasahero ng pampublikong sasakyan simula sa susunod na Sabado, Agosto 15, ayon sa direktabang inilabas ng Department of Transportation.

Batay sa memorandum circular ng ahensya, ipapatupad ang naturang polisya sa National Capital Region oras na alisin ang umiiral na  modified enhanced community quarantine dito.

Sinabi ng kagawaran na mahalagang maprotektahan ang sarili kapag sumasakay sa anumang pampublikong transportasyon lalo na’t panahon ngayon ng pandemya.


Kada face shield ay nagkakahalaga ng P25 hanggang P55 pero paliwanag ng DOTr, hindi raw ito dapat panghinayangan ng sinumang bibili.

“Wala naman kasing katumbas yung halaga ng buhay ng tao. Hindi naman masasabing anti-poor yan kung po-proteksyunan mo ang buhay ng tao,” anang DOTr Asec. Goddes Hope Libiran.

Para naman sa mga naglalayag o bumabiyahe sa dagat, mandatory na rin ang pagsusuot ng face shield sa darating na Agosto 7, alinsunod sa implementasyon ng “no face shield, no ride” policy.

 

Facebook Comments