Pagsusuot ng face shield sa Pasay Public Market, inoobliga na

Inoobliga ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang bawat residente nito na magsuot ng face shield sa tuwing pupunta ng Pasay City Public Market.

Ito’y bilang karagdagang health protocols laban sa COVID-19 kung saan dapat ay naka-face mask at may dala rin na quarantine pass ang mamimili.

Nabatid na hindi papapasukin ng mga guwardiya ang sinumang walang face shield kung saan ang mga tindero’t tindera ay una nang inabisuhan na magsuot nito.


Mag-iikot naman ang ilang tauhan ng Pasay City para masigurong walang mananamantalang mga negosyante sa pagbebenta ng face shield lalo na’t inoobliga rin ang pagsusuot nito sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon.

Sa pinakahuling tala naman ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nasa 2,173 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19, 400 ang probable, 16 ang suspected, 78 ang nasawi at 1,382 ang nakarekober sa sakit.

Facebook Comments