Bibigyan ng citation ticket at maaring ma-impound ang sasakyan ng sinumang turista na lalabag sa pagbabawal ng maingay na tambutso at pagpapatupad ng ‘No Helmet, No Travel’ Policy sa San Manuel, Pangasinan.
Saklaw ng ordinansa ang mga naturang polisiya para sa mas ligtas na pagbyahe sa mga kakalsadahan sa bayan.
Pinagbabawalan din ng lokal na pamahalaan ang mga menor de edad na magmaneho ng walang suot na helmet at walang driver’s license.
Samantala, inihayag naman ng ilang residente ang striktong implementasyon at panghuhuli dahil marami pa rin umano ang lumalabag at minsan ay nagkakarera pa sa barangay roads.
Hinimok naman ng lokal na pamahalaan ang publiko na makiisa sa naturang hangarin na mapanatili ang kaayusan sa mga kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









