PAGSUSUOT NG HELMET AT REFLECTIVE VEST, MULING IGINIIT

Muling iginiit sa ilang bayan sa Pangasinan ang pagtalima ng mga motorista sa umiiral na ordinansang pagsusuot ng helmet at reflective vest.

 

Sa bayan ng San Manuel, iginiit ang panghuhuli sa mga driver, partikular sa mga menor de edad na walang suot na helmet, walang driver’s license, maging ang maingay na tambutso o modified muffler.

 

Mahigpit din na ipinapaalala ang pagsusuot ng reflective vest sa mga nagmamaneho ng motorsiklo, bisikleta at e-bike mula alas sais ng gabi hanggang alas sais ng umaga.

 

Samantala, sa Urdaneta City, mahigpit din ang pagbabantay at pagpapatupad ng Helmet law na may karampatang multa kada paglabag.

 

Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office, nakasaad sa Motorcycle Helmet Act of 2009 ang pagsusuot ng helmet sa mga maikli o mahabang byahe ng parehong driver at backride.

 

Sa ilalim nito, nasa P1, 500 ang multa sa 1st offense ; P3, 000 sa 2nd offense ; P5, 000 sa 3rd offense; at P10, 000 naman sa mga susunod na bilang ng paglabag at pagkumpiska sa lisensya ng lumabag na driver.

 

Saad ng mga lokal na pamahalaan, sanib pwersa ang POSO at kapulisan upang matutukan ang pagpapatupad ng nasabing ordinansa para sa kaligtasan ng mga motorista. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments