Gumagawa na ng mga kaukulang hakbang ang National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ito’y upang magampanan ng mga pulis sa Metro Manila ang kanilang tungkulin sa kabila ng matinding init ng panahon
Sa kaniyang pagbisita sa Eastern Police District o EPD sa Pasig City kahapon, sinabi ni NCRPO Director, P/MGen. Edgar Allan Okubo na ikinokonsidera nila ang pagpapasuot ng kumportableng damit sa mga pulis habang naka-duty.
Layon nitong mailayo ang mga pulis sa mga peligrong dulot ng matinding init ng panahon partikular na ang atake sa puso o di kaya’y stroke.
Paliwanag pa ni Okubo, may mga pagkakataon na sa nakalipas na niluwagan ang mga pulis sa pagsusuot ng uniporme upang mapanatili silang physically fit sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Facebook Comments