Pagsusuot ng maskara sa ikakasang kilos protesta sa September 21, hindi ipagbabawal ng PNP

Walang nakikitang paglabag ang Philippine National Police (PNP) sa plano ng mga raliyista na magsuot ng maskara sa gaganaping malawakang kilos protesta sa September 21.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, malinaw sa Batas Pambansa 880 na ang tanging ipinagbabawal lamang sa mga rally ay ang pagdadala ng armas, bladed weapons, at vandalism.

Nabatid na magsusuot ng maskara ang mga raliyista bilang protesta laban sa katiwalian at korapsyon sa pamahalaan.

Dahil dito, naka-full alert na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at mag-de-deploy ng 2,500 pulis mula alas-6 ng umaga para magbigay ng seguridad sa mga lugar ng pagtitipon.

Sa ngayon, apat na grupo ang may permit para sa Sept 21, habang lima naman ang may permit para sa rally sa Sept 22.

Dagdag pa ni Tuaño, paiiralin pa rin ang maximum tolerance at pinapayagan ang malayang pagpapahayag basta’t may permit at gawing mapayapa ang mga pagkilos.

Facebook Comments