PAGSUSUOT NG REFLECTIVE VEST SA BURGOS, PANGASINAN, MAHIGPIT NA IPINATUTUPAD

Mahigpit na ipatutupad sa bayan ng Burgos, Pangasinan ang mandato sa pagsusuot ng lahat ng motorista ng reflective vest mula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.

Ayon sa lokal na pamahalaan, magkakaroon muna ng dalawang linggong information campaign bago simulan ang aktwal na pagsita at pagpapataw ng multa sa mga lalabag.

Layunin ng ordinansa na mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa kalsada, lalo na sa gabi at madilim ang paligid.

Paalala ng Burgos PNP, ang hindi pagsunod sa ordinansa ay may kaukulang parusa at multa alinsunod sa itinakdang probisyon ng lalawigan.

Suportado ng lokal na pamahalaan ang nasabing hakbang bilang bahagi ng pagpapatibay sa disiplina at kaligtasan ng mga motorista sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments