Pwede paring gamitin ang surgical at cloth mask para hindi mahawaan ng Omicron COVID-19 variant.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NTF Adviser Dr. Ted Herbosa, na inirerekumenda nila ang pagsusuot ng tama ng kahit alinmang mask.
Maaari rin aniyang gamitin ang 3ply surgical mask, pwede rin itong doblehin at maging yung cloth mask ay epektibo basta’t palagiang pinapalitan o nilalabhan.
Sa ngayon, wala pang rekumendasyon ang mga eksperto na tanging N95 lamang ang gamitin ng publiko.
Ito ay dahil kailangang balansehin, sapagkat kapag N95 lang ang ginamit ng publiko ay mawawalan naman ng suplay ang mga healthworkers na lantad sa virus.
Paliwanag pa nito, kung medical health worker o pupunta sa mga ospital ay mainam na magsuot ng N95 pero kung sa araw-araw na pamasok sa trabaho ay maaring magsuot ng surgical o cloth mask.