Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Gumaru, nirerespeto at suportado nito ang sinabi ng Bise Presidente at Kalihim ng Kagawaran dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayon na sumabay pa sa nararanasang pandemya.
Gayunman, sinabi ni Dr. Gumaru na kahit hindi compulsory ang complete uniform sa mga mag-aaral ay bukas pa rin sa paaralan ang mga gustong magsuot ng uniporme.
Mayroon pa rin kasi aniyang mga magulang na mas gustong nakaputing t-shirt o suot ng uniporme ang mga anak. Payo nito sa mga magulang na hindi na aniya kailangang bumili pa ng bagong uniporme o bagong colored na damit para sa mga anak para makatipid naman ngayong pandemya.
Paalala lang nito sa mga parents na bagamat hindi na mandatory ang school uniform ay dapat tingnan din kung malinis ang mga ipinapasuot na damit sa mga anak bago ito papasukin sa paaralan.
Bukod sa uniporme, hindi rin aniya ‘strict requirement’ sa mga estudyante ang pagsusuot ng sapatos dahil maaari pa rin naman nilang papasukin ang mga naka tsinelas.