Thursday, February 19, 2026

Pagsusuot ni Usec. Claire Castro ng “pink” sa press briefing, walang kinalaman sa politika

Nilinaw ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na walang kinalaman sa pulitika ang pagsusuot niya ng kulay pink sa press briefing ngayong hapon.

Ang pahayag ay kasunod ng tanong kung may kaugnayan ba ito sa kumakalat na ulat na nililigawan ng administrasyon si Naga City Mayor Leni Robredo para sa 2028 elections.

Ayon kay Castro, wala pa sa agenda ng pangulo at ng administrasyon ang pamumulitika o paghahanap ng mga kandidato para sa 2028, dahil mas nakatutok aniya ang pamahalaan sa kasalukuyang mga programa at trabaho.

Kasunod nito, inanunsyo naman ng Palasyo ang pagbisita ng pangulo sa Naga City ay upang inspeksyunin ang mga flood control project sa ilalim ng Oplan Kontra Baha.

Magkakaroon din aniya ng pag-uusap si PBBM at Robredo kaugnay sa proyekto.

Facebook Comments