Pagsusuri ng MIAA sa mga pasilidad sa NAIA Complex, nagpapatuloy matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina

Patuloy ang pagsusuri ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasilidad nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina.

Nilinaw naman ni MIAA General Manager Jose Eric Ines na hindi ang runway ng NAIA ang binaha noong Bagyong Carina kundi ang perimeter road sa tabi ng runway.

Sinabi ni Ines na matagal nang problema ang binabahang perimeter road na malapit sa may Multinational Village sa Parañaque City.


Sa ngayon, marami pa rin ang nagpapa-rebook ng kanilang flights matapos na makansela ang paglipad ng mga eroplano dahil sa bagyo.

Facebook Comments