Pagsusuri sa mga container sa Port of Manila, mapapabilis na dahil sa mga bagong portal x-ray machines

Pinasinayaan na ng Bureau of Customs ang bagong dalawang fixed portal x-ray machines sa Port of Manila.

Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang mga bagong x-ray machines ay kayang mag-scan ng 120 containers sa loob ng isang oras kaya’t mapapagaan at mapapabilis na ang inspeksyon sa bawat kargamentong darating sa bansa.

Bahagi rin daw ito ng kanilang commitment na palakasin pa ang ginagawa nilang security measures kung saan madali nitong made-detect ang mga smuggled products gayundin ang mga misdeclared items.


Bukod sa dalawang portal x-ray machines sa port of manila, maglalagay sila ng dalawa nito sa manila international container port, isa sa port of Davao at isa rin sa Port of Cebu.

Dagdag pa ni Guerrero na makakasama na ng mga tauhan ng Customs ang ilang miyembro ng Philippine Coast Guard sa isasagawa nilang trainings at seminar para sa pagmamando ng mga scanner.

Facebook Comments