Dinoble pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1 ang pagsusuri nito sa mga tulay sa Ilocos Region kasabay ng naranasang magkasunod na lindol.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Engr. Jocelyn Oamar ng DPWH Region 1, una nang nagsagawa ito ng inspeksyon sa mga tulay sa rehiyon matapos ang magnitude 7 na lindol noong Hulyo.
Ngunit dahil nagkaroon muli ng lindol noong October 25 kung saan umabot sa magnitude 6.4, dinoble ng kagawaran ang assessment dahil may nakitang cracks at aggravations.
Ilang tulay na rin ang napondohan at kasalukuyang inaayos na.
Iginiit ni Oamar, walang dapat ipag-alala dahil ginagawa ng ahensya ang kaniyang makakaya at ayaw na nitong maulit pa ang nangyari sa Carlos. P Romulo Bridge sa Brgy. Wawa, Bayambang.
Pakiusap nito sa publiko na huwag daanan ang mga overloaded trucks upang hindi bumigay ang mga tulay. |ifmnews
Facebook Comments