
Umapela si Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) at Metro Rail Transit o MRT-3 management, isailim sa lalong madaling panahon sa conduct audits o pagsusuri ang mga operational railway system sa bansa.
Layunin nito na matiyak ang kaligtasan at maayos na operasyon ng lahat ng train facilities sa bansa makaraang maisugod sa ospital ang anim katao dahil biglang umatras ang escalator sa MRT-3 Taft Avenue Station.
Paliwanag ni Cendaña, hindi lang delikado ang ganitong sitwasyon kundi malaking hassle rin sa mga mananakay.
Panawagan ni Cendaña, huwag na sanang hintayin na magkaroon muli ng panibagong aksidente para magkaroon ng regular inspections at maintenance ang ating mga tren.
Umaasa naman si Cendaña na ang nabanggit na insidente ay hindi gagawing rason para hindi mapagbigyan ang mga hirit na palawaigin ang oras ng operasyon ng mga tren hanggang hating-gabi.