PAGSUSUWAY SA ISANG INUMAN NA NAUWI SA SAKITAN, NILINAW NG PNP CALASIAO

Nauwi sa sakitan ang dapat sana’y maayos na pagmamando ng isang barangay kagawad sa grupo ng nag-iinuman sa isang barangay sa Calasiao.
Sa unang post na ibinahagi sa social media, sinuway umano ng opisyal ang mga nag-iinuman at nangako naman ang mga ito na tatapusin na lamang ang iniinom ngunit bumalik umano ang kagawad kasama ang anak nito saka hinampas sa ulo ang isa sa mga nag-iinuman.
Taliwas sa ibinahagi sa social media, ayon kay Calasiao PNP Deputy Chief of Police PMAJ. Rodrigo Lubiano Jr., nagblotter rin ng report sa kanilang himpilan ang nasabing opisyal at isinaad naman na noong mga panahon na iyon ay mayroong nag report na mga residente na naaabala umano sila sa ingay na ginagawa ng mga nag-iinuman bandang alas onse trenta ng gabi.
Nang balikan ng opisyal ang mga ito bandang alas dose bente ng madaling araw dahil sa report, hindi umano ito nirespeto ng mga nag iinuman at dito na sila nagtalo.
Sa ngayon ay nakipag-ugnayan na ang pulisya sa dalawang kampo at napagkasunduan na magkaroon ng muli ng maayos na pag-uusap upang tuluyan na itong maresolba. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments