Posible muling magpatupad ng mas agresibong policy rate hike ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ito ang ibinabala ni BSP Governor Felipe Medalla matapos sumampa sa 6.4% ang inflation rate ng bansa nitong Hulyo, pinakamataas simula noong Oktubre 2018.
Ayon kay Medalla, tumaas ang posibilidad ng magtaas sila ng 50 basis points kaysa ang mas mababa na 25 basis points.
Mababatid na nagpahiwatig ang BSP chief na magpapatuloy ang mahigpit na monetary cycle upang ma-stabilize ang inflation rate.
Nakatakdang magpulong ang BSP para pag-usapan ito sa August 18.
Nitong Hulyo lamang ay nagtaas ang BSP ng 75 basis points dahilan para umakyat sa 3.25% ang interest rate ng bansa.
Facebook Comments