Pagtaas ng alerto sa Israel, ikinokonsidera ng DFA

Ikinokonsidera ng Department of Foreign Affairs (DFA) na itaas ang alert level sa Israel.

Gayunman, sinabi ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na kanila pa itong pag-aralan nang mabuti.

Aniya, iniiwasan nila na magdulot ito ng panic sa Overseas Filipino Workers (OFWs).


Kanila rin aniyang pinakikiramdaman ang sitwasyon sa Israel.

Iginiit naman ni De Vega na kanilang nirerespeto ang desisyon ng ilang Pinoy na huwag umuwi ng Pilipinas dahil sa takot na maharap sa problemang pang-ekonomiya.

Kinumpirma rin ni De Vega na ilan sa mga Pilipino sa southern Israel ay inilikas na ng Israeli government sa Northern Israel.

Sa ngayon, umiiral ang Alert Level 2 sa Israel.

Facebook Comments